Martes, Mayo 19, 2015

******ALAM MO BA******
...............kung saan nagmula ang pangalan ng Ambon-Ambon at Limutan Falls sa Binukawan?
==============================
  Tinawag na Ambon-Ambon ang isang talon sa Binukawan dahil sa sobrang taas ng talong ito (120m.) ay tila ba ambon na lang ang mararamdaman mong agos ng tubig kung ikaw ay nasa ilalim o baba nito. Samantalang, tinawag namang Lumutan ang isang talon dahil sa mga halamang tila lumot sa batong pader na nasa gilid ng talong ito. Tama ang inyong nabasa Lumutan at hindi Limutan ang orihinal na tawag sa 60 metrong taas ng talon sa Binukawan, tinawag na lamang itong Limutan sapagkat ito na rin ang ngalang sumikat sa Internet at Social Media. Maraming Salamat po! ! !

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento